CMG Forum, idinaos: mensaheng pambati, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping

2022-01-27 10:52:57  CMG
Share with:

CMG Forum, idinaos: mensaheng pambati, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping_fororder_20220127CMGForum450

Sa ilalim ng temang “Together for a High-tech Winter Olympics,” idinaos sa Beijing nitong Miyerkules, Enero 26, 2022 ang China Media Group (CMG) Forum.

Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Huang Kunming, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministro ng Publisidad ng bansa.

Binasa rin niya ang ipinadalang mensaheng pambati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Sa mensahe, ipinahayag ni Xi ang lubos na kompiyansa sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Winter Olympics.

Samantala, sinabi ni Huang na sa gitna ng pagbabago ng situwasyong pandaigdig at pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), mas kailangang magkaisa at magtulungan ang malawak na masa ng media upang mapatingkad ang kanilang papel sa pagpapalaganap ng diwa ng Olimpiyada at mapalakas ang pagkakaisa ng buong sangkatauhan.

Ipinahayag niya na handa na ang Tsina sa pagbabalita ng Olimpiyada ng Taglamig, at pagkakaloob ng komprehensibo, mabisa, at maginhawang serbisyo sa mga media ng iba’t-ibang bansa.

Dumalo sa CMG Forum ang mga namamahalang tauhan ng 145 media at organisasyong pandaigdig mula sa 78 bansa’t rehiyon.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method