Unang ensayo ng CMG 2022 Spring Festival Gala, isinagawa

2022-01-21 23:29:44  CMG
Share with:

Unang ensayo ng CMG 2022 Spring Festival Gala, isinagawa_fororder_虎年春晚矢量文件20220115英文版

 

Isinagawa ngayong araw, Enero 21, 2022, ang unang ensayo ng 2022 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG).

 

Ang Spring Festival Gala ay taunang TV program ng CMG simula noong 1983, bilang pagdiriwang sa Pestibal ng Tagsibol, pinakamahalagang kapistahan sa Tsina, at karaniwan itong ini-eere sa bisperas ng kapistahang ito.

 

Sa ilalim ng temang "kaligayahan at mabuting suwerte," itatanghal sa gala sa taong ito ang napakagandang anyo ng Tsina at masayang atmospera ng kapistahan.

 

Ito ay naglalayong ipakita sa mga manonood ng buong mundo ang isang Bagong Taong Tsino na may elemento ng pagtitipun-tipon at pagkakaisa.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method