Dahil sa patakaran ng Tsina kaugnay ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), posibleng alisin ng Amerika ang mga diplomata nito sa bansa.
Hinggil dito, ipinahayag Enero 26, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakakalito at hindi makatuwiran ang lohika sa likod ng naturang kapasiyahan ng Amerika.
Lubha aniyang nababalisa at ikinalulungkot ng Tsina ang hinggil dito.
Paliwanag ni Zhao, mataimtim at naka-ayon sa siyensiya ang hakbangin ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, at mabisa nitong napapangalagaan ang mga tauhang dayuhan sa Tsina.
Ang mga hakbangin ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19 ay angkop sa mga kinauukulang regulasyon ng “Vienna Convention on Diplomatic Relations” at “Vienna Convention on Consular Relations,” at dahil dito, lubos na napapangalagaan ang kaginhawaan at lehitimong karapatan ng mga diplomata ng iba’t-ibang bansa sa Tsina, dagdag ni Zhao.
Walang duda aniyang, sa kasalukuyan, ang Tsina ang pinakamaligtas na bansa sa buong daigdig.
Kung aalisin ang mga diplomatang Amerikano mula sa ligtas na rehiyon, madaragdagan ang panganib ng kanilang pagkakasakit, saad pa niya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio