Ayon sa ulat, isinasaalang-alang ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang pagpapabalik sa mga diplomatang Amerikano at kanilang mga kaanak mula sa Tsina.
Ito ay dahil sa “mahigpit” na hakbangin ng Tsina sa pagpigil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Di-kukulangin sa 10 araw lang at bubuksan na ang 2022 Olympic Winter Games.
Layon ng ganitong kilos ng mga pulitikong Amerikano na siraan ang mga patakaran ng Tsina sa pagpigil sa pandemiya, ilagay ang hadlang sa Beijing Winter Olympics, at ibayo pang pukawin ang pagkakawatak-watak at komprontasyon.
Nagiging parumi nang parumi ang mga kilos ng ilang pulitikong Amerikano.
Ang Beijing Winter Olympics ay isang arena para sa makatarungang kompetisyon ng mga atleta ng iba’t-ibang bansa, at ito rin ay simbolo ng pagkakaisa at pagkakaibigan ng sangkatauhan.
Ito ay hindi kailanman entablado para sa mga pulitikong Amerikano.
Ang panggugulo ng ilang pulitikong Amerikano ay hinding-hindi makakaapekto sa pagsuporta at pananabik ng komunidad ng daigdig sa Beijing Winter Olympics.
Hangad ng Tsina na sundin at koordinahin ng panig Amerikano ang mga tadhana ng Tsina sa pagpigil sa pandemiya, maingat na isaalang-alang ang umano’y pagbibigay-awtorisasyon sa pag-urong ng mga diplomata, at itigil ang pagsasapulitika ng palakasan.
Salin:Vera
Pulido: Rhio
Hangarin para sa mabuting pagdaraos ng Beijing 2022 Winter Olympics, ipinahayag ng Lao PM
Pangulong Vladimir Putin, tutol sa pagsasapulitika ng palakasan
Tsina, handang-handang itaguyod ang simple, ligtas at kamangha-manghang Winter Olympics – Xi Jinping
Tsina sa Ameria, hindi hahadlangan ang normal na pagpapalitan ng mga tauhan ng dalawang bansa