Pangulong Tsino, nagpaabot ng pangungumusta sa kanyang Maldivian counterpart

2022-01-28 12:19:51  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagkahawa sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ni Pangulong Ibrahim Mohamed Solih ng Maldives, ipinadala nitong Huwebes, Enero 27, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe bilang pangungumusta.
 

Taos-pusong kinumusta ng pangulong Tsino si Solih, at ipinahayag ang pananabik sa kanyang maagang paggaling.
 

Saad ni Xi, sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, nagtutulungan ang dalawang bansa, at magkakapit-bisig na nilalabanan ang pandemiya.
 

Patuloy at buong tatag na susuportahan aniya ng panig Tsino ang paglaban ng Maldives sa pandemiya.
 

Lubos na pinahahalagahan ni Xi ang pag-unlad ng relasyong Sino-Maldivian, at nakahanda siyang magsikap, kasama ni Pangulong Solih, para mapasulong ang matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon, at ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method