COVID-19, itinuturing pa ring PHEIC ng WHO

2022-01-20 14:53:10  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag na inilabas Miyerkules, Enero 19, 2022 ng World Health Organization (WHO), patuloy pa ring itinuturing na Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Inihayag ni Direktor-Heneral Tedros Adhanom Ghebreyesus ng WHO na dapat ipagkaloob sa mahihinang sektor ang bakuna kontra COVID-19. Umaasa aniya siyang magkasamang magpupunyagi ang buong mundo, para bigyang-wakas ang acute phase ng pandemiya.
 

Ipinagdiinan din ng WHO na dapat kilalanin ng iba’t-ibang bansa ang mga bakuna kontra COVID-19 na tumanggap ng WHO Emergency Use Listing.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method