Presidente ng IOC, inalis ang tabing ng Truce Mural sa Beijing Winter Olympic Village

2022-02-01 14:09:36  CMG
Share with:

Presidente ng IOC, inalis ang tabing ng Truce Mural sa Beijing Winter Olympic Village_fororder_20220201Bach640

Kaninang madaling araw, Pebrero 1, 2022, pumunta si Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC) sa Beijing Winter Olympic Village upang alisin ang tabing  at pumirma sa Truce Mural.

Ang pagtatatag ng Olympic Truce Mural sa Olympic Village sa panahon ng Olimpiyada ay isang mapayapang kilos mula sa tradisyon ng Olimpiyada na naglalayong palaganapin ang mapayapa at magandang ideya ng pagtitigil ng giyera.

“Liwanag ng Kapayapaan” ang pamagat ng 2022 Beijing Winter Olympic Truce Mural na nagpapahiwatig ng ideya ng paghahanap ng kapayapaan, pagpapahigpit ng pag-uunawaan, pagpawi ng alitan, at magkakasamang pagtungo sa kinabukasan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method