Ipinahayag kamakailan ni Kolinda Grabar-Kitarovic, dating Pangulo ng Croatia at Komisyoner ng International Olympic Committee (IOC), na personal niyang tinututulan ang pagsasapulitika ng palakasan.
Bilang isang pandaigdigang organisasyon, sinabi rin niyang tutol din ang IOC sa paglalagay ng elementong pulitikal sa palakasan.
Sinabi niyang natutuwa ang IOC sa iba’t-ibang paghahanda ng Beijing para sa Winter Olympics.
Aniya pa, nais niyang makikita ang makulay na Olimpiyada ng Taglamig sa Beijing.
Darating si Kolinda Grabar-Kitarovic sa Beijing upang dumalo sa Beijing Winter Olympics.
Salin: Lito
Pulido: Rhio