WHO: Maaga pa para sabihing mapagtatagumpayan na ang COVID-19

2022-02-02 12:36:49  CMG
Share with:

WHO: Maaga pa para sabihing mapagtatagumpayan na ang COVID-19_fororder_20220202WHO640

Sa regular na preskong idinaos nitong Martes (local time), Pebrero 1, 2022 ng World Health Organization (WHO) tungkol sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ipinahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng WHO, na sapul nang unang matuklasan ang Omicron virus 10 linggo na ang nakararaan, naiulat na sa buong mundo ang halos 90 milyong bagong kumpirmadong kaso, na mas marami kumpara sa naitalang bilang ng kumpirmadong kaso noong taong 2020.

Sinabi niya na sa maraming lugar ng buong daigdig ay tumataas ang bilang ng mga kaso ng kamatayan. Ikinababahala niya ito.

Bukod pa riyan, dahil sa pagbaba ng lubha ng mga kasong nahawahan ng Omicron virus at pagsulong ng proseso ng pagbakuna, lumitaw sa ilang bansa ang pananalitang “di kailangang iwasan ang pagkahawa.” Pinabulaanan ito ni Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Diin niya, maaga pa ngayon na gumawa ng konklusyong napagtagumpayan na ang pandemiya ng COVID-19.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method