CMG Komentaryo: Pangako ng Tsina sa daigdig, natupad

2022-02-02 12:30:13  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Pangako ng Tsina sa daigdig, natupad_fororder_20220202koment1640

“Kasalukuyang nagsisikap ang Beijing Winter Olympics para maisakatuparan ang carbon neutrality, ito ay nilalaman kamakailan ng isang artikulo sa website ng Münchner Merkur.

Binanggit din nito ang nagawang napakaraming pagsisikap ng Beijing sa proseso ng paghahanda ng Olimpiyada ng Taglamig sa aspekto ng low-carbon at pagtitipid ng enerhiya.

Makaraang matagumpay na mag-bid ang Tsina sa Winter Olympics noong taong 2015, nagsimulang itinaguyod ng Tsina ang ideya ng “luntiang pagdaraos ng Olimpiyada.”

Sa isinasagawang 119 na kongkretong hakbangin ng Tsina, nakikita ang “luntiang elemento” sa maraming aspektong gaya ng enerhiya, lugar na pagdarausan, at konstruksyon ng komunikasyon.

Bilang halimbawa ng paggarantiya sa enerhiya, historikal na natupad sa kauna-unahang pagkakataon ng lahat ng 26 na Beijing Winter Olympic venues ang 100% pagsuplay ng “luntiang koryente,” ibig sabihin, gagamitin sa mga venues ang koryenteng gawa sa renewable energy.

Bukod pa riyan, umabot sa pamantayan ng luntiang konstruksyon ang lahat ng venues para sa Olimpiyada ng Taglamig sa Beijing. Samantala, sa pagsasaalang-alang sa pagtitipid ng enerhiya, ginamit ng Beijing Winter Olympics ang mga “pamana” na iniwan ng Beijing Olympic Games noong 2008, at gamit ang mga sulong na teknolohiya, pinalitan ang pungksyon ng mga venues para sa gaganaping Olimpiyada ng Taglamig.

Pagkatapos ng Beijing Winter Olympics, komprehensibong bubuksan sa publiko ang mga venues para maisakatuparan ang sustenableng paggamit ng mga ito.

Kaugnay ng usapin ng artipisyal na paggawa ng niyebe na pinag-uukulan ng malaking pansin, inihayag na ng Beijing Winter Olympic Organizing Committee na ginamit sa Olimpiyadang ito ang pinakasulong na kasangkapan ng pagtitipid ng tubig at matalinong sistema ng paggawa ng niyebe sa buong mundo.

Kaya nitong mabisang maiwasan ang pag-aksaya ng yamang-tubig, at hindi ito makakaapekto sa kapaligirang ekolohikal.

Ipinahayag kamakailan ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), na isinasagawa ng Beijing Winter Olympic Organizing Committee ang maraming hakbangin para mapababa ang pagbuga ng karbon, mapangalagaan ang kapaligiran, at matupad ang pangako nitong magbigay ng ambag para sa sustenableng pag-unlad ng Tsina.

Sa mata naman ni Juan Antonio Samaranch Jr., Pangalawang Presidente ng IOC, na ang Beijing Winter Olympics ay magiging pinakaluntiang Olimpiyada sa kasaysayan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method