Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang video speech sa ika-139 na sesyon ng International Olympic Committee (IOC), na sinimulan ngayong araw, Pebrero 3, 2022, sa Beijing.
Ipinahayag niya ang mainit na pagtanggap kay Presidente Thomas Bach at mga miyembro ng IOC para sa kanilang pagdating sa Beijing, upang dumalo sa iba't ibang aktibidad ng Beijing 2022 Winter Olympics at idaos ang naturang sesyon.
Binigyang-diin ni Xi, na sa mula't mula pa'y aktibong lumalahok ang Tsina sa kilusan ng Olimpiyada, at tuluy-tuloy ding pinasusulong ng bansa ang diwa ng Olimpiyada.
Dagdag niya, bubuksan bukas ang Beijing Winter Olympics, at handa-handa na ang Tsina na ihandog sa daigdig ang maginhawa, ligtas, at kagilas-gilas na palaro.
Editor: Liu Kai
Presidente ng IOC, inalis ang tabing ng Truce Mural sa Beijing Winter Olympic Village
Mga dayuhang opisyal, patuloy sa pagpapahayag ng mabuting hangarin sa Beijing Winter Olympics
2 flag-bearer ng delegasyong Tsino sa Beijing Winter Olympics, tiyak na
Puno ng IOC: Motto ng Beijing Winter Olympics, itinataguyod ang pagkakaisa at pagtutulungan