Puno ng IOC: Motto ng Beijing Winter Olympics, itinataguyod ang pagkakaisa at pagtutulungan

2022-01-29 16:37:21  CMG
Share with:

Puno ng IOC: Motto ng Beijing Winter Olympics, itinataguyod ang pagkakaisa at pagtutulungan_fororder_微信图片_20220129162111

Sa panayam kahapon, Enero 28, 2022, sa China Media Group (CMG), ibinahagi ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), ang kanyang palagay sa motto ng Beijing 2022 Winter Olympics and Paralympics, na "Sama-sama para sa pinagbabahaginang kinabukasan."

 

Sinabi ni Bach, na ipinakikita nito ang "together," salitang bagong inilakip sa motto ng Olimpiyada. Itinataguyod aniya nito ang ideyang "magkaisa, magtulungan, at magsabalikat ng responsibilidad ang lahat, para magkakasamang matamo ang tagumpay."

 

Binigyan din ni Bach ng mataas na pagtasa ang papel ng CMG sa pagpapalaganap ng diwa ng Olimpiyada sa mga mamamayang Tsino. Aniya, ang CMG ay katuwang ng IOC sa loob ng mahabang panahon, at umaasa siyang palalakasin pa ang kooperasyon ng dalawang panig.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method