Bird’s Nest o National Stadium ng Beijing – Ginanap Biyernes ng gabi, Pebrero 4, 2022 ang seremonya ng pagbubukas ng ika-24 na Olympic Winter Games.
Dumalo at ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbubukas ng Olimpiyada.
Maraming pandaigdigang lider at namamahalang tauhan ng ibat-ibang organisasyong pandaigdig ang dumalo, na kinabibilangan nina Presidente Thomas Bach ng International Olympic Committee (IOC); Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN); at matataas na opisyal at miyembro ng maharlikang pamilya mula sa mahigit 30 bansa ng Europa, Asya, Aprika at Latin Amerika.
Ang Beijing Winter Olympics ay ang kauna-unahang pandaigdigang komprehensibong pagtitipun-tipong pampalakasan na ginanap ayon sa nakatakdang iskedyul, sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Kasali rito ang halos 3,000 atleta mula sa halos 90 bansa’t rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio