Kasabay ng pagdalo ni Crown Prince Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan ng Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Winter Olympics at mga kaukulang aktibidad, nilagdaan ng China Media Group (CMG) at Emirates News Agency (WAM) ang kasunduang pangkooperasyon.
Ang nasabing kasunduan ay magkasamang pinirmahan nina Shen Haixiong, Presidente at Chief-Editor ng CMG at Mohammed Jalal Al Rayssi, Director-General ng WAM.
Base sa kasunduan, sang-ayon ang kapuwa panig na isagawa ang regular na pagpapalitan ng mga materyal ng balita, magkasamang pasulungin ang pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang isip (IPR), at palakasin ang pagpapalitan ng mga mamamahayag at editor.
Sa pamamagitan ng substansyal na kooperasyon, layon ng kasunduang ibayo pang pasulungin ang people-to-people exchanges ng dalawang bansa, at payamanin ang nilalaman ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at UAE.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Bagong bakuna ng Sinopharm, inaprohan ng UAE bilang booster jabs
Dami ng mga manonood ng CMG Spring Festival Gala, nakalikha ng bagong rekord
CMG Spring Festival Gala para sa Taon ng Tigre ng Tsina, nagpakita ng diwa ng Tsina sa bagong siglo
40-taong CMG Spring Festival Gala, nagbibigay ng kagila-gilalas na karanasang biswal sa mga manonood