Sa katatapos na seremonya ng pagbubukas ng Beijing 2022 Olympic Winter Games, aktibong sumali at nagbigay-ambag ang mga tauhan ng China Media Group (CMG).
Si Yu Lei, Punong Direktor ng “Nation's Greatest Treasures” ng CMG, ay nanungkulan bilang punong manunulat ng seremonya ng pagbubukas.
Bilang rights holding broadcaster, ang CMG ang siya ring namamahala sa pagsasahimpapawid ng mga seremonya ng pagbubukas at pagpipinid.
Mahigit 3,000 tauhan ng CMG ang sumasali sa pagkokober ng kasalukuyang Olimpiyada.
Salin: Vera
Pulido: Rhio