Pagpili ng torchbearer para sa Beijing Winter Olympics, nagpapakita ng malawak na representasyon

2022-02-08 17:12:38  CMG
Share with:

Malawak na pansin mula sa komunidad ng daigdig ang nakuha kamakailan ng atletang Uyghur na si Dinigeer Yilamujiang kaugnay ng kanyang pagiging torchbearer para sa Beijing 2022 Winter Olympic Games.

 

Hinggil dito, ipinahayag Pebrero 7, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na maliwanag ang pamantayan sa pagpili ng torchbearer para sa Beijing 2022 Winter Olympics, at kabilang dito ang: personal na kagustuhan, resulta ng kompetisyon, gulang, reputasyon, etnikong kinabibilangan at iba pa.

Pagpili ng torchbearer para sa Beijing Winter Olympics, nagpapakita ng malawak na representasyon_fororder_02

Ang mga ito aniya ay para lubos na ipakita ang pinakamalawak na represantasyon.

 

Sinabi pa niyang kasangkot ang mga ateleta mula sa iba’t-ibang nasyonalidad ng Tsina sa Beijing 2022 Winter Olympics, at ito ay nagpapakitang ang patakaran ng Tsina sa pag-unlad ng palakasan ng niyebe ay pinakikinabangan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang etnikong grupo ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method