Ipinanumbalik nitong Pebrero 8, 2022 ang ika-8 round ng talastasan hinggil sa pagsasakatuparan ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).
Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang talastasan tungo sa pagsasakatuparan ng JCPOA ay pumasok na sa masusing yugto.
Aniya, sinusuportahan ng Tsina ang iba’t-ibang panig na lubos na nagpakita ng tapat na kalooban para pasulungin ang pagkakaroon ng kasunduan sa lalo madaling panahon.
Pero binigyang-diin niyang ipinalalagay ng Tsina na hindi konstruktibo ang artipisyal na pagtatakda ng timeline para sa talastasan.
Dapat aniyang maayos na lutasin ng iba’t-ibang panig ang mga pagkakaiba para lumikha ng mainam na kondisyon.
Tinukoy ni Zhao na bilang pasimuno ng krisis nuklear ng Iran, dapat komprehensibong iwasto ng Amerika ang maling patakaran nito sa Iran, at alisin ang lahat ng ilegal na sangsyon sa Iran at iba pang panig.
Batay sa pundasyong ito, dapat aniyang bumalik ang Iran sa landas ng komprehensibong pagsasakatuparan ng JCPOA.
Patuloy na magsisikap at konstruktibong makikisangkot sa talastasan ang Tsina, kasama ng iba’t-ibang panig, para pasulungin ang pagpapanumbalik sa tumpak na landas ng talastasang ito sa lalo madaling panahon, dagdag ni Zhao.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio