Di-pagkakasundo hinggil sa talastasang nuklear ng Iran, nababawasan—pangalawang ministrong panlabas ng Iran

2022-01-10 11:50:09  CMG
Share with:

Sinabi nitong Sabado, Enero 8, 2022 ni Ali Bagheri Kani, Pangalawang Ministrong Panlabas at Punong Negosyador sa Isyung Nuklear ng Iran, na nababawasan ang mga di-pagkakasundo sa talastasan hinggil sa Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).
 

Ayon sa ulat ng Islamic Republic News Agency ng Iran, ginanap nang araw ring iyon sa Vienna, kabisera ng Austria, ang ilang oras na negosasyon ng mga kaukulang panig ng JCPOA.
 

Pagkatapos nito, sinabi sa media ni Bagheri na sumusulong ang talastasan tungo sa direksyon ng pagkakaroon ng kasunduan.
 

Ayon sa ulat, makaraang makipagtagpo sa kinatawan ng Iran, nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kinatawan ng iba pang kaukulang panig ng JCPOA at kinatawan ng Amerika.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method