Nasa masusing yugto ngayon ang talastasan hinggil sa pagpapanumbalik ng kasunduan sa isyung nuklear ng Iran na sinimulan noong 2015.
Ipinasiya kahapon, Pebrero 4, 2022 ng pamahalaan ni Joe Biden na alisin ang ilang kaukulang sangsyon laban sa nasabing bansa.
Ayon sa ulat ng Associated Press, bago muling magsadya sa Iran ang negosyador ng Amerika, nilagdaan ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang ilang eksepsyon ng sangsyon na may kinalaman sa aktibidad na nuklear para sa gamit pansibilyan.
Kaugnay nito, may imyunidad ang ilang bansa’t kompanyang nakikipagkooperasyon sa di-pangmilitar na bahagi ng planong nuklear ng Iran, batay sa mga tadhana ng nabanggit na kasunduan noong 2015.
Salin: Vera
Pulido: Rhio