Tsina sa Amerika: iwasto ang kamalikan, bumalik sa tumpak na landas ng kooperasyon

2022-02-09 16:29:19  CMG
Share with:

Inilagay kamakailan ng Amerika ang 33 entities ng Tsina sa “Unverified List.”

Tsina sa Amerika: iwasto ang kamalikan, bumalik sa tumpak na landas ng kooperasyon_fororder_02komersyous

Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 8, 2022, ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na buong tatag itong tinututulan at kinokondena ng Tsina.

 

Tinukoy ng tagapagsalita na nitong ilang taong nakalipas, ginagawa ng gobyerno ng Amerika ang pagkontrol sa pagluluwas bilang kagamitang pampulitika, at pambubuskang pang-ekonomiya.

 

Ito aniya ay malaking hadlang sa normal na kooperasyon sa pagitan ng mga kompanya ng dalawang bansa. 

 

Sabi niyang ang aksyong ito ay malubhang nakakapinsala sa kaayusang pangkabuhayan at pangkalakalaan, regulasyon ng malayang kalakalan, grabeng banta sa supply chain at industrial chain ng buong daigdig, at hindi makakabuti sa Tsina, Amerika at buong daigdig.

 

Ipinahayag ng tagapagsalita na dapat agarang iwasto ng Amerika ang maling hakbang at bumalik sa tumpak na landas ng kooperasyon, para magbigay ng mas maraming ambag para sa pagbangon ng kabuhayan ng buong daigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method