Masigla at may kakayahang umangkop ang kabuhayang Tsino, na gumaganap ng positibong papel para patatagin ang industrial chain ng buong mundo at pasulungin ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Ipinahayag ito sa presscon Pebrero 9, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Sinabi pa niyang sa kasalukuyan, umiiral pa rin ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig, kinakaharap ng kabuhayang pandaigdig ang iba’t ibang panganib. Pero, sunud-sunod na natamo ng kalakalang panlabas at puhunang dayuhan ng Tsina ang magandang bunga.
Ito ang aktuwal na bunga ng buong lakas na pagtatatag ng Tsina ng bagong estruktura ng pag-unlad at pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad, ito rin ang tunay na paglalarawan ng pagbabahagi ng Tsina ng pagkakataon ng pag-unlad sa buong daigdig, saad niya.
Ayon sa estadistika na ipinalabas kamakailan ng kinauukulang departamento ng Tsina, malakas na lumaki ang kalakalang panlabas ng Tsina noong 2021. Sa ngayon, ang Tsina ay naging ikalawang pinakamalaking pamilihan ng mga paninda ng buong mundo. Nasa unang puwesto sa buong daigdig ang kabuuang halaga ng kalakalan ng paninda ng Tsina noong nakaraang magkakasunod na 5 taon, at napapanatili sa ikalawang puwesto sa buong daigdig ang puhunang dayuhan na inaakit ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Mac