CMG Komentaryo: Kabuhayang Tsino, tuluy-tuloy na namumuno sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig

2022-01-18 11:59:16  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Kabuhayang Tsino, tuluy-tuloy na namumuno sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig_fororder_20220118Komentaryo

Ayon sa datos na inilabas kahapon, Enero 17, 2022 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, tuluy-tuloy at matatag na bumangon ang kabuhayang Tsino noong 2021, at komprehensibong naisakatuparan ang mga pangunahing inaasahang target.
 

Kabilang dito, umabot sa halos 114.4 trilyong yuan RMB ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa, na pumangalawa sa buong mundo, at ito ay lumaki ng 8.1% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Patuloy na nangunguna sa mga pangunahing ekonomiya sa daigdig ang bahagdan ng paglago ng kabuhayang Tsino, at muling ipinamamalas nito ang malakas na kakayahang bumangon at kasiglahan ng kabuhayang Tsino.
 

Bilang ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang tuluy-tuloy na pagbangon ng kabuhayang Tsino ay hindi lamang nagpadala ng kompiyansa at katiyakan sa kabuhayang pandaigdig, pati na rin ng pagkakataon at benepisyo.
 

Ayon sa inisyal na pagtaya ng naturang kawanihan, aabot sa humigit-kumulang 25% ang contribution rate ng paglago ng kabuhayang Tsino sa kabuhayang pandaigdig noong 2021.
 

Dagdag pa riyan, ang “Gawa sa Tsina” ay nagbibigay rin ng mahalagang tulong para sa pagbangon ng kabuhayan ng buong mundo, lalong lalo na, mga umuunlad na bansa.
 

Hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, ipinagkaloob ng Tsina sa komunidad ng daigdig ang halos 372 bilyong maskara, mahigit 4.2 bilyong pamproteksyong kasuotan, at 8.4 bilyong piraso ng test reagent. Ibinigay rin sa mahigit 120 bansa’t organisasyong pandaigdig ang lampas sa 2 bilyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Ang Tsina ay bansang nagkakaloob ng pinakamaraming bakuna sa ibayong dagat.
 

Sa kasalukuyan, nananatiling masalimuot at matindi pa rin ang kapaligirang ekonomiko ng Tsina, pero hindi nagbabago ang pangmalayuang batayan ng pagganda ng kabuhayang Tsino.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method