Kaugnay ng planong magbenta ng sadata ng Amerika na nagkakahalaga ng 100 milyong dolyares sa Taiwan, inihayag Miyerkules, Pebrero 9, 2022 ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang aksyong ito ng panig Amerikano ay nakakapinsala sa soberanya at kapakanang panseguridad ng Tsina, nakakasira sa relasyon ng dalawang bansa at dalawang hukbo, at nagsasapanganib din sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.
Mariing hiniling aniya ng panig Tsino sa panig Amerikano na agarang ibasura ang naturang plano, at putulin ang ugnayang militar sa Taiwan.
Saad ni Wu, ang kapalaran ng Taiwan ay nakakasalalay sa reunipikasyon ng inang bayan, at ang seguridad ng Taiwan naman ay dumedepende sa komong pagsisikap ng mga kababayan ng magkabilang pampang sa ilalim ng simulaing Isang Tsina, sa halip ng sandatang bibilhin sa Amerika.
Salin: Vera
Pulido: Mac