Beijing 2022 Winter Olympics organizers, handa na sa pagbagsak ng niyebe at temperatura

2022-02-11 15:55:34  CMG
Share with:

Ayon sa pagtaya, inaasahang magniniyebe sa darating na weekend sa Beijing at lalawigang Hebei.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 10, sa preskon, ni Zhao Weidong, Tagapagsalita ng Beijing Organizing Committee for the 2022 Winter Olympic and Paralympic Games na sa harap ng extreme weather, isinagawa na nila ang iba’t ibang hakbangin para igarantiya ang maalwang pagdaraos ng mga events at kaligtasan at kalusugan ng mga tauhang may kinalaman sa Olimpiyada.

Beijing 2022 Winter Olympics organizers, handa na sa pagbagsak ng niyebe at temperatura_fororder_03beijing2022

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method