Bagong rekord sa bilang ng mga tagapanood, nalikha ng Beijing Winter Olympics: Amerikanong nanood, mahigit 100 milyon

2022-02-13 13:32:51  CMG
Share with:

Bagong rekord sa bilang ng mga tagapanood, nalikha ng Beijing Winter Olympics: Amerikanong nanood, mahigit 100 milyon_fororder_20220213olimpiyada540

Main media center ng Beijing Winter Olympics Sabado, Pebrero 12, 2022 - Isinalaysay ni Mark Adams, Tagapagsalita ng  International Olympic Committee (IOC) na lumikha  ng record-high sa bilang ng mga tagapanood ang Beijing Winter Olympics.

Ayon kay  Adams, bago  Pebrero 10, halos 515 milyong tao ang nakapanood  sa Beijing Winter Olympics sa pamamagitan ng mga plataporma ng China Media Group (CMG).

Sa Amerika naman, mahigit 100 milyong tao aniya ang nanood sa nasabing Olimpiyada sa pamamagitan ng global network ng American Broadcasting Company (ABC).

Bukod pa riyan, sinagot ng kaukulang namamahalang tauhan ng IOC at Komiteng Tagapag-organisa ng Olimpiyada ng Taglamig ng Beijing ang mga tanong ng mga mamamahayag na gaya ng pagbibigay-serbisyo sa mga atleta.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method