Isang mensahe ang ipinaabot Pebrero 13, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Frank-Walter Steinmeier, bilang pagbati sa kanyang muling panunungkulan bilang Pangulo ng Alemanya.
Ani Xi, ang taong 2022 ay ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Alemanya.
Lubos aniyang pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyong ito.
Nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Alemanya, para pasaganahin ang katuturan ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig tungo sa pagpapasulong ng bagong pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, saad ni Xi.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio