Ugnayan sa Alemanya, isusulong ng Tsina

2021-12-09 15:00:50  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Miyerkules, Disyembre 8, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Olaf Scholz bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang Chancellor ng Alemanya.

Ani Xi, bilang komprehensibo’t estratehikong magka-partner, patuloy ang paggalang sa isa’t-isa at pagtutulungan ng Tsina at Alemanya nitong mga taong nakalipas: bagay na nakakapaghatid ng maraming benepisyo sa mga mamamayan at pamahalaan ng dalawang bansa, at buong daigdig.

Ani Xi, sa harap ng nagbabagong kalagayan ng mundo at pagkalat ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pinalalakas ng Tsina at Alemanya ang pagkokoordinahan at pagtutulungan, magkasamang sinusuportahan ang pakikibaka laban sa pandemiya sa buong mundo, at isinusulong ang pagbangon ng kabuhayan.

Ito ay mga bagay na nagpapakita ng responsibilidad at pagsasabalikat ng katungkulan ng Tsina at Alemanya bilang kapuwa malaking bansa, dagdag ng lider Tsino.

Saad ni Xi, nahanda siyang magsikap kasama ni Scholz upang mapatibay at mapalalim ang kanilang pagtitiwalaang pulitikal, at mapalawak ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan tungo sa lalo pang pagpapasulong ng relasyong Sino-Aleman.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method