Ayon sa Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina, umabot na sa mga 1.43 milyon ang naitayong 5G base station ng Tsina hanggang katapusan ng 2021, at ito ay mahigit 60% ng kabuuang bilang ng base station sa buong daigdig.
Ipinahayag pa ng naturang ministri na matatag at maayos na panghahawakan ng Tsina ang serbisyo ng 5G sa taong 2022.
Samantala, tinataya namang aabot sa mahigit 560 milyon ang mga 5G user ng bansa sa taong 2023, at mahigit 18 5G base station ang magbibigay ng serbisyo sa bawat 10 libo katao.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio