Tsina, itatatag ang pinakamalaking standalone 5G network sa mundo sa 2025

2021-11-17 16:30:55  CMG
Share with:

Isinapubliko kamakailan ng Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina ang plano sa pag-unlad ng industriya ng impormasyon at telekomunikasyon sa panahon ng Ika-14 na Panlimahang Taong Plano (2021-2025).
 

Ayon sa plano, sa panahon ng ika-14 na panlimahang taong plano, komprehensibong pasusulungin ang konstruksyon ng 5G network, at itatatag ang pinakamalaking standalone 5G network sa buong mundo.
 

Samantala, tinayang aabot sa 80% ang 5G access rate sa mga administratibong nayon.

Tsina, itatatag ang pinakamalaking standalone 5G network sa mundo sa 2025_fororder_202111175G

Inihayag ng namamahalang tauhan ng naturang ministri na sa hinaharap, palalalimin ng bansa ang aplikasyon ng 5G sa mga larangang gaya ng konsumo ng impormasyon, real economy, serbisyo sa pamumuhay ng mga mamamayan at iba pa.
 

Sa kasalukuyan, naitatag ang mahigit 1.15 milyong 5G base stations sa Tsina, at ito ay katumbas ng mahigit 70% ng kabuuang bilang ng daigdig. Nagsilbi itong pinakamalaki at pinakamodernong 5G standalone network sa buong mundo.
 

Bukod pa riyan, umabot sa 450 milyon ang kabuuang bilang ng mga 5G terminal users, at ito ay katumbas ng lampas sa 80% ng daigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method