Bagong rekord sa bilang ng mga tagapanood, nalikha ng Beijing Winter Olympics

2022-02-14 18:32:51  CMG
Share with:

Bagong rekord sa bilang ng mga tagapanood, nalikha ng Beijing Winter Olympics: Amerikanong nanood, mahigit 100 milyon_fororder_20220213olimpiyada540

Main media center ng Beijing Winter Olympics Sabado, Pebrero 12, 2022 - Isinalaysay ni Mark Adams, Tagapagsalita ng  International Olympic Committee (IOC) na lumikha  ng record-high sa bilang ng mga tagapanood ang Beijing Winter Olympics.

 

Kaugnay nito, sinabi Pebrero 14, 2022, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa nakalipas na ilang araw, maraming mga dayuhang media outlet ang tumutukoy sa Beijing Winter Olympics bilang ang pinakapinapanood na Winter Olympics. Lumaki nang husto ang mga rating at sinira pa ang mga rekord sa ilang bansa sa North America at Europe na may malakas na tradisyon sa Winter Olympics. Bukod dito, sa ilang tropikal na bansa kung saan bihirang makita ang yelo at niyebe, maraming manonood din ang sumusubaybay sa Palaro.

 

Ipinapakita nito na sa kabila ng nagngangalit na pandemya, ang mga tao sa bawat sulok ng mundo ay nagbabahagi ng simbuyo ng damdamin, kagalakan at pagkakaibigang hatid ng mga isports sa taglamig, at ang pagkakaisa, pagtutulungan at pag-asa na ipinakita ng Beijing Winter Olympics ay nagbibigay ng kumpiyansa at lakas sa lahat ng mga bansa ng mundo. 

 

Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method