Kaugnay ng paggamit ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ng kalahati ng naka-freeze na ari-arian ng Bangko Sentral ng Afghanistan bilang kompensasyon sa mga biktima ng September 11 Incident, ipinalabas nitong Lunes, Pebrero 14, 2022 (local time) ng pansamantalang pamahalaang Afghan ang pahayag na nagsasabing iresponsable ang nasabing kilos ng panig Amerikano.
Ito anito ay malinaw na lumalapastangan sa karapatan ng mga mamamayang Afghan at wala sa saklaw ng Doha Peace Agreement.
Tinukoy ng pamahalaang Afghan na ang 9/11 Incident ay walang anumang kaugnayan sa mga mamamayang Afghan. Upang maiwasan ang pagbatikos ng komunidad ng daigdig at hindi masira ang relasyon sa mga mamamayang Afghan, dapat bawiin ng Amerika ang mali nitong kapasiyahan.
Kung hindi magbabago ang posisyon ng Amerika at ipagpapatuloy ang probokasyon nito, mapipilitang isaalang-alang muli ng pansamantalang pamahalaang Afghan ang patakaran nito sa Amerika, dagdag ng pahayag.
Salin: Lito
Pulido: Mac