CMG Komentaryo: Pagkamkam ng pamahalaang Amerikano sa ari-arian ng mga mamamayang Afghan, kahiya-hiya

2022-02-14 16:03:43  CMG
Share with:

Nilagdaan Pebrero 11, 2022, ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang executive order, na nag-aatas gamitin ang kalahati ng halos 7 bilyong dolyares na frozen asset ng Afghanistan sa Amerika bilang kompensasyon sa mga nasawi sa mga "Pagsalakay ng Setyembre 11." 
 

Nakapaloob din sa nasabing kautusan na gagamitin ang nalalabing kalahating naka-freeze na ari-arian para sa pagbibigay-tulong sa mga mamamayang Afghan, pero, hindi sa pamamagitan ng pamahalaan ng Afghan Taliban.
 

Nagulantang ang buong mundo sa nasabing balita.
 

Ang hayagang pagnanakaw ng pamahalaang Amerikano sa mga ari-arian na kailangang-kailangan ng mga mamamayang Afghan ay nagbubunyag sa esensya ng hegemonismo ng Amerika.
 

Ang ganitong kilos ay sanhi ng kalagayang panloob at panlabas ng Amerika na gaya ng di-mabisang pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), mataas na implasyon, pagbagsak ng support rate, malubhang kakulangan sa pondo at iba pa.
 

Kahiya-hiya ang pagnanakaw ng tanging super power sa daigdig sa salaping dapat sana ay magliligtas sa mga mamamayang Afghan.
 

Dapat itong kondenahin at tutulan ng lahat ng may kamalayan ng katarungan sa buong mundo, upang tunay na maipagtanggol ang karapatang-pantao, at bigyang-saklolo ang mga mamamayang Afghan.
 

Salin: Vera
 

Pulid: Rhio

Please select the login method