Ayon sa pahayag kamakailan ng mga Ministro ng Pananalapi ng G7, isasagawa ng grupo ang sangsyong ekonomiko at pinansyal sa Rusya.
Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 15, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nawa’y hindi lumala ang kalagayan at wag i-sensationalize ang krisis.
Ani Wang, sa mula’t mula pa’y, tinututulan ng Tsina ang paggamit ng unilateral na sangsyon o paggamit ng sangsyon bilang pagbabanta sa relasyong pandaigidg.
Sa kasalukuyang kalagayan, ang unilateral na sangsyon ay magdudulot ng mas malubhang pag-aalitan, saad ni Wang.
Nanawagan ang Tsina sa iba’t ibang panig na dapat maging rasyonal at pasulungin ang komprehensibong paglutas ng krisis ng Ukraine at mga kinauukulang isyu sa pamamagitan ng diyalogo at negosasyon.
Salin:Sarah
Pulido:Mac