CMG Komentaryo: pamumuhunan sa Tsina, malaki ang potensyal

2022-02-17 16:48:00  CMG
Share with:

Ayon sa estadistikang ipinalabas kamakailan ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, umabot sa 102.28 bilyong Yuan Renminbi ang aktuwal na pumasok na puhunang dayuhan sa Tsina nitong nakaraang Enero 2022.

 

Ito ay lumaki ng 11.6% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.

 

Ipinakikita ng naturang estadistika na lubos ang kompiyansa ng mga kompanyang dayuhan sa pamilihang Tsino, at napanatiling malakas ang bilang ng mga kaakit-akit na destinasyong pampamumuhunan sa bansa.

 

Pinahahalagahan ng mga kompanyang dayuhan ang sustenableng potensyal ng paglaki ng pamilihang Tsino, at palagiang pagpapabuti sa “soft environment” ng kabuhayan ng Tsina.

 

Bukod dito, kasabay ng pagkabisa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) noong unang araw ng Enero, 2022, siguradong mas marami pang pagkakataon ng pamumuhunan ang papasok sa Tsina.

 

Sa hinaharap, itutuloy ng Tsina ang pagpapalawak sa pagbubukas sa labas, lilikhain ang kapaligirang akma sa pagsasapamilihan ng kabuhayan, alinsunod sa batas at kagawiang pandaigdig, para ibahagi ang mas maraming de-kalidad na benepisyo ng pag-unlad sa buong daigdig.

CMG Komentaryo: pamumuhunan sa Tsina, malaki ang potensyal_fororder_01ruiping

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method