Pinagtibay kamakailan ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang umano'y "America COMPETES Act of 2022."
Sinabi ng panig Amerikano, na layon ng panukalang batas na ito na igarantiya ang pangunguna ng Amerika sa ibang bansa sa manupaktura, inobasyon, at kabuhayan. Pero, inilakip nito sa panukalang batas ang mga negatibong nilalaman tungkol sa Tsina, na gaya ng paninirang-puri sa landas ng pag-unlad at mga patakarang panloob at panlabas ng Tsina, at panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina kaugnay ng Taiwan, Xinjiang, Hong Kong, at Tibet.
Maaaring sabihin, tungkol sa kompetisyon ang tawag ng naturang panukalang batas. Pero sa katotohanan, para sa hegemonya ito. Namumutiktik ito ng kaisipan ng Cold War at zero-sum game, at layon nitong hadlangan ang pag-unlad ng Tsina.
Normal ang kompetisyon sa pagitan ng mga bansa. Pero, ito ay dapat maging positibong kompetisyon, sa halip na negatibong kompetisyong tinutuligsa ang isa't isa, o mananalo ang isa samantalang natatalo ang iba.
Ang target sa pag-unlad ng Tsina ay hindi para halinhan ang Amerika, kundi para magkaroon ng mas maganda at maligayang pamumuhay ang mga mamamayang Tsino. Hindi-hindi rin papayagan ng Tsina ang sinuman na ipagkait ang karapat-dapat nitong karapatan sa pag-unlad.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos