Hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Beijing Winter Olympics, lubos na hinahangaan ng IOC

2022-02-17 15:20:31  CMG
Share with:

Sa news briefing Miyerkules, Pebrero 16, 2022, ipinahayag ng  International Olympic Committee (IOC) ang lubos na paghanga sa mga hakbangin ng Beijing Olympic Winter Games kaugnay ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.

Hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Beijing Winter Olympics, lubos na hinahangaan ng IOC_fororder_20210217Beijing2022

Sinabi ni Mark Adams, Tagapagsalita ng IOC na napakatagumpay na sumusulong ngayon ang isa sa mga pinakamasalimuot na kompetisyon o paligsahan sa daigdig.
 

Aniya, ang pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ay isang hamon sa pagdaraos ng Winter Olympics, at ipinaabot niya ang paggalang sa mga kaibigan at kasamahang Tsino, dahil sa magaling nilang trabaho.
 

Ayon sa salaysay, ipagpapatuloy ang mga mabisang hakbanging pamprebensyon hanggang sa Beijing Winter Paralympics.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method