IOC President, bumati sa ambag ng CMG sa Beijing 2022 Winter Olympics

2022-02-16 10:45:16  CMG
Share with:

Ayon sa opisyal na website ng International Olympic Committee (IOC) nitong Martes, Pebrero 15, 2022, ipinaabot ni Thomas Bach, Presidente ng IOC, ang pagbati sa ibinibigay na ambag ng China Media Group (CMG) sa matagumpay na pagkober ng Beijing 2022 Winter Olympics. 

IOC President, bumati sa ambag ng CMG sa Beijing 2022 Winter Olympics_fororder_20220216CMG1650

Sa kanyang pakikipagtagpo kay CMG President Shen Haixiong, lubos na pinapurihan ni Bach ang natamong record-high na viewing rate ng mga Rights Holding Broadcaster (RHB).

Hanggang noong Pebrero 10, pumalo na sa 2.05 bilyon ang kabuuang panahon ng pagmasid ng mga Tsinong tagapanood sa Beijing Winter Olympics sa pamamagitan ng telebisyon. 

Ito ay mas malaki ng 15% kumpara sa kabuuang viewing rate ng PyeongChang 2018 Winter Olympics at Sochi 2014 Winter Olympics.

IOC President, bumati sa ambag ng CMG sa Beijing 2022 Winter Olympics_fororder_20220216CMG2650

Upang papurihan ang natamong napakabuting resulta ng CMG, ginawaran ni Bach ng IOC president's trophy si Shen Haixiong.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method