Pagbalik sa Pagpapatupad ng Minsk Agreements, kalutasan sa krisis ng Ukraine - Tsina

2022-02-18 16:08:15  CMG
Share with:

Dapat bumalik sa 2015 Package of Measures for the Implementation of the Minsk Agreements para malutas ang isyu ng Ukraine, sinabi ito ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), noong Pebrero 17, 2022, sa UN.

 

Pagbalik sa Pagpapatupad ng Minsk Agreements, kalutasan sa krisis ng Ukraine - Tsina_fororder_01zhangjun

Si Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN (file photo)

 

Aniya, ang 2015 Package of Measures for the Implementation of the Minsk Agreements ay pundamental na dokumentong may bisang pulitikal na kinikilala ng iba’t ibang panig para lutasin ang isyu ng Ukraine.

 

Umaasa ang Tsina na ang iba’t ibang panig ay magpapakita ng konstruktibong pakikitungo, at lulutasin ang pagkakaiba sa proseso ng pagsasakatuparan ng naturang kasunduan sa pamamagitan ng diyalogo, para pasulungin ang aktuwal na pagsasakatuparan ng kasunduang ito, at lilikhain ang kondisyon para sa kalutasang pulitikal ng krisis ng Ukraine, saad ni Zhang.

 

Bukod dito, hinimok ng Tsina ang mga kinauukulang bansa na dapat matuto mula sa kasaysayan, pabutihin ang pagtitiwalaan sa isa’t isa at lutasin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng koordinasyon, gawin ang bagay na makabubuti sa katatagan at kapayapaan ng rehiyon at buong daigdig, dagdag ni Zhang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method