Mga pangulo ng Tsina at Pransya, nagtalakayan: bilateral na relasyon at situwasyon ng Ukraine, pinag-usapan

2022-02-17 11:36:19  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng telepono, nag-usap Miyerkules, Pebrero 16, 2022 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya.
 

Ipinaabot ni Macron ang pagbati sa kamangha-mangha at matagumpay na seremonya ng pagbubukas ng Beijing 2022 Winter Olympics.
 

Aniya, sa mula’t mula pa’y sinusuportahan ng kanyang bansa ang pagtatagumpay ng Beijing Winter Olympics at Paralympics.
 

Tinukoy naman ni Xi na ang maalwang pagdaraos ng Beijing Winter Olympics ay nagpapakita ng komong mithiin ng komunidad ng daigdig sa kapayapaan, pagkakaisa at progreso.
 

Ani Xi, hangad niya ang pagtatamo ng magandang resulta ng mga atletang Pranses sa Olimpiyada.
 

Samantala, nagkaisa ng palagay ang dalawang lider sa pagpapalalim ng bilateral na kooperasyon sa susunod na yugto, sa mga larangang gaya ng agrikultura, green manufacturing, pinansya at abiyasyon.
 

Bukod pa riyan, isinalaysay ni Macron ang kanyang kuru-kuro hinggil sa kasalukuyang situwasyon ng Ukraine.
 

Ipinagdiinan naman ni Xi na dapat igiit ng iba’t-ibang kaukulang panig ang pangkalahatang direksyon ng pulitikal na solusyon, lubos na gamitin ang mga multilateral na platapormang kinabibilangan ng Normandy format, at hanapin ang komprehensibong pagresolba sa isyu ng Ukraine, sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method