Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)

2022-02-18 10:24:12  CMG
Share with:

Ang Winter Olympic Games ay pinakamalaking palaro sa taglamig sa buong daigdig.

Idinaraos ito kada apat na taon sa iba’t-ibang lugar ng daigdig sa pagtataguyod ng International Olympic Committee (IOC).

Kasalukuyang idinaraos sa Beijing ang ika-24 na Winter Olympics.

Narito ang kasaysayan ng nakaraang 23 Winter Olympics.

Ika-17 Olimpiyada ng Taglamig — Lillehammer Winter Olympics (mula noong Pebrero 12 hanggang Pebrero 27, 1994)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)_fororder_20220215Di17th650

Idinaos noong Pebrero 12, 1994 sa ski jump stadium ang seremonya ng pagbubukas ng Lillehammer Winter Olympics.

Noong taong 1986, ipinasiya ng IOC na ihiwalay ang panahon ng pagdaraos ng Summer Olympics at Winter Olympics na may pagitang 2 taon ang Olimpiyada.

Upang makatugma dito, idinaos ang Lillehammer 1994 Winter Olympics 2 taon pagkatapos ng Albertville 1992 Winter Olympics na naging tanging 2 Olimpiyada na idinaos pagkatapos ng 2 taon sa kasaysayan ng Winter Olympics.
 

Ika-18 Olimpiyada ng Taglamig — Nagano Winter Olympics (mula noong Pebrero 7 hanggang Pebrero 22, 1998)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)_fororder_20220215Di18th

Idinaos sa Nagano, Hapon noong Pebrero 7, 1998 ang seremonya ng pagbubukas ng ika-18 Winter Olympics.

26 na taon matapos ang Sapporo 1972 Winter Olympics, idinaos muli sa Hapon ang ika-18 Olimpiyada ng Taglamig.

Sa Olimpiyadang ito, sa kauna-unahang pagkakataon, ang snowboarding ay naging palaro ng Winter Olympics.
 

Ika-19 na Olimpiyada ng Taglamig — Salt Lake Winter Olympics (mula noong Pebrero 9 hanggang Pebrero 25, 2002)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)_fororder_20220215Di19th1650

Idinaos noong Pebrero 8, 2002 sa Salt Lake City ang seremonya ng pagbubukas ng ika-19 na Winter Olympics.

May pinakamaraming palaro ang Salt Lake 2002 Winter Olympics sa kasaysayan Olimpiyada ng Taglamig.

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)_fororder_20220215Di19th2450

Noong Pebrero 23, 2002, nakuha ni Yang Yang ang medalyang ginto sa women's 1000m speed skating.

Sa women’s 500 speeding skating final sa nasabing Olimpiyada, nakuha ng atletang Tsino na si Yang Yang ang medalyang ginto na naging unang medalyang gintong natamo ng Tsina sa Winter Olympics.

Bukod pa riyan, nakuha pa niya ang 3 medalyang ginto sa women's 1000m speed skating, women's 1500m speed skating, at individual all-around competition (IAA).

Nasungkit ni Yang Yang ang 4 na medalyang ginto sa Salt Lake 2002 Winter Olympics.
 

Ika-20 Olimpiyada ng Taglamig — Turin Winter Olympics (mula noong Pebrero 11 hanggang Pebrero 26, 2006)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)_fororder_20220215Di20th1650

Idinaos noong Pebrero 10, 2006 sa Turin ang seremonya ng pagbubukas ng ika-20 Winter Olympics.

Sa Turin 2006 Winter Olympics, naglabanan ang 2,509 atleta mula sa 80 bansa na naging record-high ang bilang ng mga kalahok sa kasaysayan ng Olimpiyada ng Taglamig.

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)_fororder_20220215Di20th2650

Lumahok ang delegasyong Tsino sa seremonya ng pagbubukas ng Turin 2006 Winter Olympics.

Sa Olimpiyadang ito, natamo ng delegasyong Tsino ang 11 medalyang kinabibilangan ng 2 medalyang ginto, 4 na medalyang pilak, at 5 medalyang tanso.
 

Ika-21 Olimpiyada ng Taglamig — Vancouver Winter Olympics (mula noong Pebrero 12 hanggang Pebrero 28, 2010)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)_fororder_20220215Di21th1650

Idinaos noong Pebrero 12, 2010 sa Vancouver ang seremonya ng pagbubukas ng ika-21 Winter Olympics.

2,632 atleta mula sa 82 bansa ang kalahok sa Vancouver 2010 Winter Olympics. Kabilang dito, sumali sa unang pagkakataon ang Cayman Islands, Columbia, Ghana, Montenegro, Pakistan, Peru at Serbia.

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)_fororder_20220215Di21th2650

Lumahok sa seremonya ng pagbubukas ng Vancouver 2010 Winter Olympics. Naging flag-bearer ng delegasyong Tsino si Han Xiaopeng.

Natamo sa Olimpiyadang ito ng delegasyong Tsino ang 5 medalyang ginto, 4 na medalyang pilak at 2 medalyang tanso.
 

Ika-22 Olimpiyada ng Taglamig — Sochi Winter Olympics (mula noong Pebrero 7 hanggang Pebrero 23, 2014)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)_fororder_20220215Di22th1650

Idinaos noong Pebrero 7, 2014 sa Sochi ang seremonya ng pagbubukas ng ika-22 Winter Olympics.

Ito ang unang pagkakataong itinaguyod ng Rusya ang Winter Olympics na nilahukan ng 2,873 atleta mula sa 88 bansa’t rehiyon.

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)_fororder_20220215Di22th2650

Si Michael Christian Martinez, kilalang figure skating athlete ng Pilipinas.

Sumali si Michael Christian Martinez, figure skating athlete ng Pilipinas, na tanging atletang Pilipino sa nasabing Olimpiyada.

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)_fororder_20220215Di22th3650

Si Michael Christian Martinez, kilalang figure skating athlete ng Pilipinas.

Si Christian Martinez ay unang figure skating athlete mula sa Timog Silangang Asya na may Olympic level.
 

Ika-23 Olimpiyada ng Taglamig — PyeongChang Winter Olympics (mula noong Pebrero 9 hanggang Pebrero 25, 2018)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)_fororder_20220215Di23th650

Idinaos noong Pebrero 9, 2018 sa PyeongChang Olympic Stadium ang seremonya ng pagbubukas ng ika-23 Winter Olympics.

Ito ang unang pagkakataong itinaguyod ng Timog Korea ang Winter Olympics.

Sa Olimpiyadang ito, kapwa nasa unang puwesto ng medal tally ang Norway at Alemanya na may 14 na medalyang ginto.

Nasa ika-14 na puwesto ang delegasyong Tsino sa pamamagitan ng isang medalyang ginto, 6 na medalyang pilak, at 2 medalyang tanso.
 

Ika-24 na Olimpiyada ng Taglamig — Beijing Winter Olympics (mula noong Pebrero 4 hanggang Pebrero 20, 2022)

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)_fororder_20220215Di24th1650

Idinaos noong Pebrero 4, 2022 sa National Stadium, Beijing ang seremonya ng pagbubukas ng ika-24 na Winter Olympics.

Sa ika-128 sesyong plenaryo ng IOC na idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Hulyo 31, 2015, nakuha ng Beijing ang karapatan ng pagho-host ng ika-24 na Winter Olympics.

Bunga nito, ang Beijing ang naging tanging lunsod sa buong daigdig na itinaguyod ang kapwang Summer Olympics at Winter Olympics.

Balik-tanaw sa mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Huling Bahagi)_fororder_20220215Di24th2650

Ang Five Rings of Ice and Snow.

Sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing 2022 Winter Olympics, nabasag ang yelo at lumabas ang “Five Rings of Ice and Snow” na sumasagisag ng pagsira sa agwat at paglapit sa isa’t-isa.


Salin: Lito
Pulido: Mac
Photo Courtesy: VCG

 

Please select the login method