FM ng Tsina: Mga dayuhan, malugod na tinatanggap ng Tsina sa Xinjiang

2022-02-21 16:24:24  CMG
Share with:

Palagiang malugod na tinatanggap ng Tsina si Michelle Bachelet, Mataas na Komisyoner ng Amerika sa Karapatang Pantao, na bumisita sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Uygur ng Xinjiang.

 

Ito ang ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa kanyang pagdalo sa Ika-58 Munich Security Conference (MSC) noong Pebrero 19, 2022.

FM ng Tsina: Mga dayuhan, malugod na tinatanggap ng Tsina sa Xinjiang_fororder_02wangyi

Kasabay nito, pinabuluanan ni Wang ang mga alegasyong may kaugnayan sa Xinjiang na tulad ng “forced labor,” “re-education camps” at iba pa.

 

Aniya, layon ng bokasyonal na edukasyon at sentro ng pagsasanay sa Xinjiang na magkaroon ng deradikalisasyon, at natamo ng mga ito ang maraming bunga.

 

Ipinahayag ni Wang na malugod na tinatanggap ng Tsina ang mga dayuhang may bukas na pag-iisip at nalalaman ang katotohanan sa mga kinauukulang bagay, na bumisita sa Xinjiang.

 

Pero, binigyang-diin niyang hindi tinatanggap ng Tsina ang imbestigasyon na batay sa presumption of guilt.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method