Kaugnay ng pag-organisa ng ilang elementong kontra Tsina ng virtual meeting hinggil sa umano’y "Uyghur Tribunal's Judgement," inihayag nitong Miyerkules, Enero 12, 2022 ng tagapagsalita ng Permanenteng Misyon ng Tsina sa United Nations (UN) ang mariing kondemnasyon at buong tatag na pagtutol dito.
Tinukoy ng nasabing tagapagsalita na tiyak na mabibigo ang tangka ng anumang bansa, puwersa at indibiduwal na guluhin ang Xinjiang at dungisan ang reputasyon ng Tsina.
Saad niya, ang umano’y tribunal at hatol nito ay komedyang pulitikal lamang na niluto ng mga tauhang kontra Tsina.
Ito aniya ay masamang pagdungis sa batas at katotohanan, at hinding hindi malilinlang ng nasabing hakbang ang sinumang walang pagkiling.
Dagdag niya, ang komedyang ito ay walang anumang kaugnayan sa UN, kaya, tiyak itong tututulan at boboykotin ng UN at mga kasaping bansa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio