“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics

2022-02-23 15:15:57  CMG
Share with:

“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics_fororder_20220223mainpic450

Sa magkasamang pagtataguyod ng Embahadang Tsino sa Pilipinas at Philippine Silk Road International Chamber of Commerce, idinaos nitong Martes, Pebrero 22, 2022 ang isang online forum na may temang “A Memorable Winter Olympics” kung saan magkakasamang binalik-tanaw ng mga kalahok ang kapipinid na Beijing Winter Olympics, ibinahagi ang kanilang karanasan sa Olimpiyadang ito, at magkakasamang ipinahayag ang pag-asa ng magandang kinabukasan ng kooperasyong Pilipino-Sino sa diwa ng “Together for a Shared Future.”

“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics_fororder_20220223beijing2650

Si Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas

Dumalo sa nasabing porum sina Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, mga opisyal at mahigit 200 kinatawan mula sa pangunahing media at social media celebrity ng Pilipinas.

“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics_fororder_20220223beijing3650

Ipinahayag sa porum ni Teodoro Locsin, Jr., Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na nagkakaloob ang Olimpiyada ng espesyal na pagkakataon para sa pagkakaroon ng mga atleta mula sa iba’t-ibang sulok ng daigdig ng mapagkaibigang labanan. Ito rin aniya ay nagdala ng pag-asa sa buong mundo sa ilalim ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Ipinahayag din niya ang respeto sa lahat ng atleta sa Beijing Winter Olympics, at taos-puso niyang pinasalamatan ang pamahalaang Tsino at Komiteng Tagapag-organisa ng Beijing para sa Olimpiyada ng Taglamig sa 2022.

“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics_fororder_20220223beijing4650

Ipinahayag ni Ramon M. Lopez, Kalihim ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, na sa pagpawi ng epektong dala ng COVID-19, matagumpay na idinaos ng Tsina ang Beijing 2022 Winter Olympics, at pinalaganap ang palaro sa taglamig sa bansang tropikal na tulad ng Pilipinas.

Bilang tunay na magkaibigan, inaasahan niyang aahon ang mga mamamayang Pilipino at Tsino mula sa pandemiya para pasimulan ang bagong kabanata ng kanilang kooperasyon sa “New Normal.”

“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics_fororder_20220223beijing5650

Ipinahayag ni Bernadette Romulo Puyat, Kalihim ng Turismo ng Pilipinas, na nagiging tunay na Olympic spirit ang pagpapasulong ng pag-uunawaan, pagkakaisa at pagkakaibigan sa pagitan ng mga bansa. Ito aniya ay ibayo pang napalawak sa temang “Together for a Shared Future” sa Beijing Winter Olympics.

“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics_fororder_20220223beijing6650

Ipinahayag ni Francis Chua, Chairman ng Philippine Silk Road International Chamber of Commerce (PSRICC), na makaraang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, ang Beijing Winter Olympics ay isa sa mga pinakamahalagang pagtitipun-tipong pandaigdig.

Ipinaabot din niya ang pagbati sa Beijing na naging unang “Lunsod ng Dalawang Olimpiyada” sa buong daigdig. Gumawa ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino ng napakalaking ambag para rito, aniya.

“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics_fororder_20220223beijing7650

Binati ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, ang Tsina sa pagtataguyod ng isang simple, ligtas, at makulay na Winter Olympics para sa daigdig.

Umaasa aniya siyang magiging bagong simula ng mapagkaibigang diyalogong Pilipino-Sino ang nasabing porum.

“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics_fororder_20220223beijing8650

Ipinahayag ni Valeriano Floro, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Philippine Olympic Commission at Puno ng Delegasyong Pilipino sa Beijing Winter Olympics, na sa sandaling nakababa siya sa eroplano sa Beijing, naramdaman niya ang malakas at maayos na hakbangin ng Beijing sa pakikibaka laban sa pandemiya. Ito aniya ay lubos na naggarantiya sa kaligtasan ng lahat ng kalahok sa Olimpiyadang ito.

Binigyan din niya ng lubos na papuri ang operasyon sa Olympic Village at serbisyo ng mga boluntaryo. Ang biyahe niya sa Beijing ay isang di malilimutang karanasan, ani Floro.

Sa ngalan ng Philippine Olympic Commission, bumati siya sa matagumpay na pagdaraos ng Tsina ng Beijing Winter Olympics.

“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics_fororder_20220223beijing9650

Sinabi ni Jim Apelar, Presidente ng Philippine Ski at Snowboard Federation, na di malilimot ang kanyang karanasan sa pagsali sa Beijing Winter Olympics.

Inaasahan aniya niyang makakalahok ang mas maraming atletang Pilipino sa Winter Olympics sa hinaharap.

“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics_fororder_20220223beijing10650

Ipinahayag ni Nikki Cheng, Presidente ng Philippine Skating Union at miyembro ng delegasyong Pilipino sa Beijing Winter Olympics, ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa ibinibigay na ambag at serbisyo ng mga opisyal, trabahador at boluntaryo, at malaking suporta at tulong ng Embahadang Tsino sa Pilipinas sa delegasyong Pilipino.

“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics_fororder_20220223beijing11650

Ipinahayag din nina Lim Bon Liong, Presidente ng Federation of Pilipino Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCCI), at iba pang mga panauhin, ang pag-asang makakasali ang mas maraming atletang Pilipino sa mga palaro ng niyebe at yelo upang walang patid na mapalawak ang pagpapalitan at pagtutulungang Pilipino-Sino at magkakasamang mapasulong ang diwa ng Beijing Winter Olympics na “Together for a Shared Future.”

“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics_fororder_20220223beijing12650

“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics_fororder_20220223beijing650

Bukod pa riyan, sa pamamagitan ng mga television platforms, isinagawa ang live coverage sa nasabing porum.

“Isang Di Malilimutang Olimpiyada ng Taglamig,” papuri ng iba’t-ibang sektor ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics_fororder_20220223beijing13650


Salin: Lito
Pulido: Mac
Photo Courtesy: Embahadang Tsino sa Pilipinas

Please select the login method