Xi Jinping, ipinadala ang mensaheng pambati kay Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei

2022-02-23 16:43:10  CMG
Share with:

 

 

Ipinadala Miyerkules, Pebrero 23, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati kay Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei bilang pagdiriwang sa ika-38 anibersayo ng pagkakatatag ng bansang ito.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Xi na sa ilalim ng pamumuno ni Sultan Bolkiah, malaki ang naging pag-unlad ng Brunei at bumuti ang pamumuhay ng mga mamamayan nito.

Ipinahayag ni Xi na noong 2021, ang Brunei ay naging tagapangulong bansa ng ASEAN, at magkasamang matagumpay ang pamumuno ng Tsina at Brunei sa Summit bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersayo ng pagkakatatag ng relasyong pangdiyalogo ng Tsina at ASEAN.

Aniya pa, ang Summit na ito ay nagpasulong ng relasyon ng dalawang panig sa bagong antas.

Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapasulong ng dalawang bansa ang mga kooperasyon sa pagpuksa ng epidemiya ng COVID-19 at Belt and Road initiative.

Please select the login method