Mga lider ng Tsina at Brunei, nagpalitan ng pagbati sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa

2021-09-30 16:21:16  CMG
Share with:

Nagpalitan ngayong araw, Setyembre 30, 2021 ng mga mensahe sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei, bilang pagbati sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
 

Diin ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Brunei. Nakahanda siyang magpunyagi, kasama ni Sultan Hassanal, para mapalakas ang estratehikong pag-uugnayan, palalimin ang kooperasyon sa paglaban sa pandemiya at Belt and Road, pasulungin ang walang humpay na pagtamo ng estretahiko’t kooperatibong partnership ng dalawang bansa ng bagong progreso, at ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
 

Pinasalamatan ni Sultan Hassanal ang ibinigay na suporta at tulong ng panig Tsino sa pagharap sa pandemiya ng kanyang bansa.
 

Nakahanda aniya siyang palalimin ang estratehiko’t kooperatibong partnership sa Tsina, at likhain ang mas maraming kabiyayaan sa dalawang bansa at mga mamamayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method