$US1.04 trilyon, kalakalang panlabas ng industriya ng makinarya ng Tsina noong 2021

2022-02-23 15:38:38  CMG
Share with:

$US1.04 trilyon, kalakalang panlabas ng industriya ng makinarya ng Tsina noong 2021_fororder_20220223Makinarya

Sanhi ng mabisang pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng bansa at mabilis na pagpapanumbalik ng kaayusan ng produksyon, kusang-loob na sinamantala ng mga bahay-kalakal ng makinarya ng Tsina ang pagkakataon sa merkadong pandaigdig.
 

Ipinakikita ng datos na noong 2021, tuluy-tuloy at mabilis na lumago ang kalakalang panlabas ng industriya ng makinarya ng bansa, at umabot sa 1.04 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas sa buong taon.
 

Ito ang kauna-unahang pagkakataong lumampas sa 1 trilyon ang nasabing datos.
 

Kabilang dito, lumaki ng 33.7% ang kabuuang halaga ng pagluluwas, na naging pinakamataas sa kasaysayan. Tumaas naman ng 13.5% ang pag-aangkat.
 

Samantala, 314.4 bilyong dolyares ang trade surplus nito, na lumaki ng 168%, at pinakamataas din ito sa kasaysayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method