Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Enero 14, 2022 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, lumampas sa kauna-unahang pagkakataon, sa US$6 na trilyon ang kabuuang bolyum ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa noong 2021, at pinakamataas ito sa kasaysayan.
Kabilang dito, 21.73 trilyong yuan ang kabuuang halaga ng pagluluwas, na lumaki ng 21.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon; at 17.37 trilyong yuan naman ang pag-aangkat, na lumago ng 21.5%.
Noong nagdaang taon, ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Unyong Europeo (EU), Amerika, Hapon at Timog Korea ay nanatiling limang pinakamalaking trade partner ng Tsina.
Samantala, tumaas ng 23.6% ang pag-aangkat at pagluluwas ng bansa sa mga kasaling bansa ng Belt and Road Initative.
Salin: Vera
Pulido: Mac