Ayon sa impormasyon ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ngayong araw, Disyembre 17, 2021, umabot na sa US$10.98 bilyon ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan sa pagitan ng Tsina at Kambodya noong unang 10 buwan ng kasalukuyang taon, at ito ay lumaki ng 45.9% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Nauna rito, target ng dalawang bansa na paabutin sa US$10 bilyon ang bolyum ng kalakalan sa taong 2023.
Nakahanda ang Tsina na ipatupad, kasama ng Kambodya ang China-Cambodia Free Trade Agreement at Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement, pasulungin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng imprastruktura, production capacity, digital economy, berde’t mababang karbon na pag-unlad at iba pa, ayon pa sa nasabing ministry.
Samantala, palalawakin ng Tsina ang pag-aangkat mula sa Kambodya, hihimukin ang mga kompanyang Tsino na mamuhunan sa Kambodya, at pasusulungin ang kooperasyon sa e-commerce.
Salin: Vera
Pulido: Mac