Zelenskyy: Ukraine, "iniwang mag-isa"para labanan ang Rusya

2022-02-25 16:03:49  CMG
Share with:

Ipinahayag Pebrero 25, 2022, ni Volodymyr Zelenskyy, Pangulo ng Ukraine, na ang bansa ay “iniwang mag-isa” para labanan ang Rusya, matapos nitong ilunsad ang espesyal na operasyong militar sa rehiyong Donbas.

 

Aniya, kinausap niya ang 27 lider ng mga bansang Europeo para hilingin ang pagsali ng Ukraine sa North Atlantic Treaty Organization (NATO), pero walang sinuman ang tumugon.

 

Bukod dito, ipinahayag din niya na hindi siya takot na makipag-negosasyon sa Rusya kaugnay ng paggarantiya ng seguridad ng bansa, pagpapanatili ng walang pinapanigang katayuan ng bansa, at iba pang isyu.

Zelenskyy: Ukraine, “iniwang mag-isa” para labanan ang Rusya_fororder_01presidentukraine

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method