Nilagdaan Miyerkules ng gabi, Pebrero 23, 2022 ni Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine ang kautusang magpapa-iral sa 30 araw na state of emergency sa buong bansa, liban sa rehiyon ng Lugansk at Donetsk mula Huwebes, ika-24 ng buwang ito.
Batay sa kautusan, ipagbabawal ang mga aktibidad na gaya ng pagprotesta at pagtitipon sa mga rehiyong nasa ilalim ng state of emergency.
Isasagawa rin ang espesyal na prosidyur ng pagpasok-labas sa bansa.
Ayon pa rito, kung kailangan, isasagawa rin ang curfew at paglimita sa malayang biyahe sa mga rehiyon kung saan pinapa-iral ang state of emergency.